Si Lethezia ay isang prinsesa sa isang kaharian. Ngunit ang posisyon niyang iyon ay ipinagkait sa kanya. Pinalitan ng isang wala ding ka alam alam na batang babae.Namuhay sa simpleng buhay si Lethezia kasama ng kanyang ina-inahan na siyang dahilan ng pag-iba ng kanyang katauhan. Ngunit hindi naging madali ang buhay niya. Dahil sa tuwing mayroon siyang gusto ay hindi man lang siya nag kakaroon ng pagkakataon na makuha o magawa 'yon. Hindi rin naging mabuting ina sa kanya ang kanyang ina-inahan. Ginawa siyang katulong nito habang siya naman ay palaging sinusubaybayan ang kanyang anak sa palasyo. Hanggang sa isaw araw mayroong kumatok sa kanilang pinto. Tauhan ng isang gwapong prinsipe. Si prinsipe Margoux. Nabihag ng dalaga ang prinsipe. Ngunit ang prinsipeng ito ay nakatakda ng magpakasal sa prinsesa ng kanilang kaharian. Kailan kaya malalaman ni Lethezia ang tunay niyang pagkatao? Mababawi pa kaya niya ang kanyang trono? paano siya makikilala ng kanyang amang hari? dahil ba sa kapangyarihan niya o...